On Life

“Masaya ka ba?”

Meron akong kaibigan nung college ako. Lagi niyang tinatanong sakin, “Masaya ka ba?” Ang lagi ko lang sagot noon, ay “Okay lang,” at “Hindi ko alam.” Hanggang isang araw, nagsawa na ata siya sa palagi kong sagot, tinanong niya ako kung bakit lagi akong hirap na hirap sagutin yung tanong na ‘yun.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil, sa totoo lang, kahit hanggang ngayon sa twing tinatanong ko ang sarili ko ng tanong na yan, hindi ko pa rin kayang sagutin ng isang malaking “Oo” ang tanong niya.

Alam ko kung ano ang pakiramdam ng masaya. Pero ang hindi ko alam e kung paano magiging masaya. Sabi nila, “Happiness is a choice.” Kahit nasa isang pangit at malungkot na sitwasyon ka, pwede mo pa rin daw piliin maging masaya. Para sakin, ang labo. Ibig-sabihin ba magiging masaya ka kahit puro frustrations ang nangyayare sa buhay mo? Kahit lahat ng pangarap mo hindi natupad? Kahit namatayan ka, nanakawan, nasaksak? Parang schadenfeude, sa sarili mo nga lang.

Sabi naman ng iba, “Happiness is not about getting what you want all the time. It’s about loving what you have and being grateful for it.” Ibig-sabihin ba nito dapat maging kuntento ka na lang sa kung anong meron. Hahayaan mo na lang ang sarili mong maging naive (for lack of a better term) at hihintayin na lang ang Universe na ibigay sayo kung anong gusto nitong ibigay?

Pero meron pa ring nagsasabi, “If you’re not happy, stop complaining and make a change.” Pero kadalasan yung mga taong sumusunod sa kasabihang ito, sila yung nagmumukhang masama at maka-sarili, diba? Dahil sa pagpili nila sa sariling kaligayahan meron at merong taong laging masasaktan at mapagiiwanan. Parang nagiging isang sakripisyo. Tapos pag alam mong nakasakit ka, hindi ka din magiging masaya.

So, ano ba talaga? Ano ba ang kailangan gawin para maging totoong masaya? Simpleng tanong, pero ang hirap bigyan ng sagot. Madami ngang paraan pero laging merong downside.

Ikaw, alam mo ba kung anong makakapagpasaya sayo? Masaya ka ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s